
Paano iwasang ma-scam
Matutong tukuyin ang mga kahina-hinalang gawain at panatilihing ligtas ang iyong impormasyon.
Totoong kwento ng Scam
Ang isang Smiles customer ay nag-send ng message sa isang account na inakala n’yang official account ng Smiles.

Paano nangyari ang scam
Hiningi ng scammer ang comfirmation code mula sa customer. Sinabi rin ng scammer na mag-deposit s’ya sa kanyang Smiles wallet para ma-reactive ang account nito.
Paano na-hack ang customer
Ginamit ng scammer ang confirmation code na binigay ng customer para mapasok ang account nito. Pagkatapos, ang perang na-deposit ng customer ay ipinadala ng scammer sa kanyang bank account.
TIP: Hindi kailanman hihingi ng confirmation code o magre-request ng deposit ang mga staff ng Smiles Mobile Remittance.
Contact us
Kung may concern ka o pinaghihinalaan na kahina-hinalang gawain, makipag-ugnayan kaagad sa amin.
Talk to us
Business hours: Sun-Sat: 9 a.m. to 7 p.m.