
Proseso ng Judicial Recognition of Foreign Divorce sa Pilipinas
Embassy
Marahil alam na ng karamihan sa atin na hanggang ngayon ay wala pa ring Divorce Law sa Pilipinas. Kaya, kahit na ang isang Pilipino ay divorced na sa ibang bansa, kagaya ng Japan, ay hindi pa rin ito kaagad na kikilalanin ng batas ng Pilipinas hangga’t hindi dinadaan sa korte ng Pilipinas.
Ang pagproseso ng Judicial Recognition of Foreign Divorce ang legal na paraan upang ang divorce ng isang Pilipino sa isang banyaga ay tuluyang kilalanin ng batas ng Pilipinas. Kapag kinilala na ng batas ng Pilipinas ang nasabing divorce ay maaari na muling magpakasal ang isang Pilipino.
Sino ang maaaring mag-file ng Judicial Recognition of Foreign Divorce?
Ang abogado ng isang Pilipino ang magpa-file ng petition for Judicial Recognition of Foreign Divorce isang lehitimong korte sa Pilipinas.
Saan maaaring i-file ang petition ng Judicial Recognition of Foreign Divorce?
Maaaring i-file ang nasabing petition sa isang Regional Trial Court (RTC), kung saan gagawin ang pagbabago ng civil registry record ng Pilipino.
Ano ang mga kailangang dokumento?
- Report of Marriage o Marriage Contract
- Divorce Certificate
- Certified True Copy ng Divorce Law ng bansa kung saan napawalang-bisa ang kasal
- Proof of citizenship
- Proof of residence
Ang mga nakalista na dokumento sa itaas ay ang mga pangunahing dokumento na hinihingi ng korte. Ito ay maaaring magbago depende sa inyong kaso. Inaabiso namin na makipag-ugnayan sa isang lehitimong abogado upang wasto ang inyong mga isusumite na mga dokumento.
Listahan ng mga abogado
Para sa mga kababayan natin na wala pang kilala na mga lehitimong abogado sa Pilipinas, maaari kayong makipag-ugnayan sa mga opisina sa ibaba para masimulan na ninyo ang pagproseso ng recognition ng inyong divorce sa Pilipinas:
INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES (IBP)
Contact info: Click here
Address: IBP Building, No.15 Doña Julia Vargas Avenue, Ortigas Center, Pasig City, Philippines 1600
PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE (PAO)
Contact info: Click here
Address: 4th & 5th Floors DOJ Agencies Building NIA Rd. corner East Ave., Diliman, Quezon City